MGA BIRO
BF(Pointing to a girl): Hon, tingnan mo yung babaeng yon o, yun yung ex ko.
GF: Sus!, napakapangit naman!
BF: Talagang yun ang weakness ko eh!
BF to GF: Sunduin na lang kita bukas ha... bubusina na lang ako.
GF: May kotse kang dala?
BF: Wala.... busina lang.....
------------------------------------------------------
MISTER: Hon buksan mo ang pinto!
MISIS: Sori, hindi pwede. Wala akong suot.
MISTER: (Tumawa) ok lang. Wala akong kasama!
MISIS: E ako meron!
MISTER ???
------------------------------------------------------
Kinuha ng isang Amerkanong pari si Erap na interpreter
Pari: The Lord was crucified between two robbers.
Erap: Si Hesus ay ipinako sa gitna ng dalawang goma.
Pari: We need to sacrifice.
Erap: Kailangan natin ng dalawang sakong bigas.
Pari: If we do not repent,
Erap: kapag hindi natin pipinturahan uli,
Pari: the wrath of God will come upon you.
Erap: ang mga daga ng Diyos ay pupunta sa iyo.
(nagtawanan ang mga tao)
Pari: Well.... well...
Erap: Balon... Balon...
------------------------------------------------------
Lola at Lolo nagkasundong alalahanin ang kanilang unang "date" 50 years ago para lang maalala ang kahapon...
Naghintay si lolo sa tabing ilog na may dalang bulaklak ngunit hindi dumating si lola.
Pag-uwi ni lolo, nasa bed si lola nakahiga yakap ang unan.
Lolo (galit at tinapon ang bulaklak sa sahig): Bakit hindi ka sumipot sa tagpuan natin?
Lola(tinakip ang unan sa mukha at pa-shy na sumagot): Hindi ako pinayagan ni mama e...
------------------------------------------------------
Mahirap kapag walang nagmamahal.
Walang karamay sa problema,
madalas walang kausap,
malamig ang pasko, pati valentines.
Pero mas mahirap mag-isa...
pag nakasakay ka sa
SEESAW! HINDI GAGALAW, BADTRIP!!!
------------------------------------------------------
MEKANIKO: Sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: Paano na yan?
MEKANIKO: Nilakasan ko na lang po ang inyong busina!
SIKAT NA MGA LINYA
"pinapaikot mo lang ako nagsasawa na ako.
Mabuti pang patayin mlo na lang ako"
-electric fan-
------------------------------------------------------
"hindi lahat ng walang salawal ay bastos"
-winnie d' pooh-
------------------------------------------------------
"Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo.
pero patuloy ang pag-iwas mo"
-ipis-
------------------------------------------------------
"Hala! sige magpakasasa ka!
Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo."
-hipon-
------------------------------------------------------
"Ayoko na! pag nagmamahal ako lagi na lang maraming tao ang nagagalit! wala ba akong karapatang magmahal?!?"
-gasolina-
------------------------------------------------------
"Sawang sawa na ako palagi nalang akong
pinagpapasa- pasahan, pagod na pagod na ako."
-Bola-
------------------------------------------------------
"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka mahirap ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?
-TV-
------------------------------------------------------
"hindi lahat ng maasim may vitamin c"
-kili kili-
------------------------------------------------------
pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!
-libag-
------------------------------------------------------
"wag mo na akong bilugin.."
-kulangot-
------------------------------------------------------
Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?
-Lego-
------------------------------------------------------
Punyetang Buhay to! Itlog! itlog! Araw araw na lang itlog!
-Brief-
------------------------------------------------------
Sige kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!
-deodorant-
------------------------------------------------------
Hindi lahat ng hinog, matamis...
-pigsa-
nagpadala - hindi kilala