DOON PO SA AMIN [p.1]

nagsimula ang lahat sa biruan lang at sa di nga sinasadya kami ni neneng ang nagkatuluyan, mabait, masipag, at maunawain si neneng. lahat ng aking mga pagkukulang bilang isang ama ng tahanan ay pinupunan niya sa harap ng aking mga anak ganun narin sa harap ng aming mga kaibigan. minsan nga iyong mga hindi ko na alam na mga pagkakamali siya narin ang umaayos sa mga taong nagagawan ko ng mga pagkukulang. nagkaroon kami ng tatlong magagandang mga anak lahat ay puros mga lalaki, subalit may kapintasan ang mga ito, sila ay alanganing mga lalaki at babae. hindi ko nga maintindihan kung papaano ko maipaliliwanag kung bakit nag-kaganon ang aking mga naging supling. subalit kung ano ang ibinigay ng nasa itaas ay tinanggap namin ni neneng.

inalam ko ang nakaraan ng aking lahi subalit wala namang binabae sa lahi namin at gayon din sa parte ng aking asawa. wala akong maisip na dahilan kung paano ko babaliktarin ang kanilang mga kasarian. subalit wala akong naging sakit ng ulo isa man sa kanila, lahat naman sila ay magiliw at hindi sila nag akyat ng problema sa aming tahanan. maituturing ko naring mapalad ako sa kabila ng lahat ng pangyayaring ito sa buhay ko. at ngayon nga ako ay nakaratay sa banig ng napakabigat na karamdaman na aking pinagsisisihan.

isang umaga nang may pumukaw ng aking pag-iisa sa loob ng aking silid, mga katok na napaka lumanay. tumayo ako at tinungo ang tarangkahan dahan dahang sinilip kung sino ang nasa likod ng pintuan. itoy isang lalaki subalit hindi maaninag ang kanyang buong mukha, at ang kanyang kasuotan ay malabong itim, ng aking tanungin siya kung sino ang kanyang hinahanap umangat ang ulo niyang nakatungo napansin ko ang kanyang malungkot na tingin, ang kanyang mga mata na parang nakikiramay sa isang minamahal. sinubukan kong siya ay patuluyin subalit siya ay nag atubili, bagkos ay binitawan ang mga salitang "hayaan mong samahan pa kita ng kahit na kaunti pang sandali para sa iyong natitirang buhay".

napa-atras ako at napa upo sa aking kama, at sinabi sa kanyang "sinusundo mo na ba ako kaibigan". subalit hindi siya sumagot, bagkos ay tumalikod siya at nagsabing magtapat ka sa iyong mga mahal sa buhay. at tuluyan na siyang naglaho sa harap ng tarangkahan ng aking silid.

maya maya pa ay may muling kumatok nais ko sanang pagbuksan subalit hindi ko maigalaw ang aking katawan sa aking pagkakahiga, naisip ko na kanina lamang ay nakapagbukas pa ako sa aking hindi ina asahang panauhin, isip ko ay nanaginip lamang ako. pero halos totoong nakita at naranasan ko ang aking panauhin, naramdaman kong may humalik sa aking noo, at pabulong na sinabi "kamusta ka na mahal ko?". ang aking asawa, kasama ang tatlo kong mga anak. hinawakan ko ang kamay ng aking asawa at sinabing may ipagtatapat ako sa kanila...

doon po sa amin