
C R I S A L D O
C - risaldo pangalang ibinigay sa iyo ng mga magulang mo ang kahulugan daw nito ay isang kabalyero bagay na bagay sa tulad mong isang pagkaguapo-guapo, hindi mapigilang binibini ay humanga sa iyo.
R - egalo ka ng Maykapal sa iyong ama’t ina karangalan ang maging anak ka nila ang karunungan at kabaitang taglay mo sa tuwina, ay maipagmamalaki ka nila sa madla.
I - sa kang mabait na anak, kapatid at kaibigan ang mahalin ka’y karapat-dapat lamang, masayang sambahayan ang inyong inilalarawan na nakaka aliw pagmasdan.
S - a bawat araw ng iyong buhay nagsisiskap ka upang makamit ang tagumpay, si Bathala ang sa iyo ay papatnubay di ka niya pababayaan.
A - numang sa buhay mo ay naisin sa Maykapal ay idalangin, laging umasa na iyong tatanggapin at ikaw ay hindi niya lilimutin.
L - ahat ng pagmamamhal ay ipinadama nila sa iyo, naging kaaliwan ka nila dito sa mundo, at alam din nilang sila man ay mahal mo, kaligayahan ay dama nila sa kanilang puso.
D - ahil sa katangian mo, tunay na mapalad ang isang inang magkaroon ng anak na tulad mo, hindi mo sila binibigyan ng sakit ng ulo hindi tulad ng ilang tao dito sa mundo na nagugumo sa masamang bisyo.
O - nawa’y iyong panatilihin katangian mong angkin, huwag sanang magbago at lalong huwag maging palalo kung ang tagumpay at kaligayahan ay mapasa iyo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
...Itinuturo ng katwiran ang tayo'y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katwiran ang tayo'y maglakas na maihapag ang naghaharing kasamaan sa ating bayan. Panahon na ngayon.
...dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.
Ngayon ay panahong dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Pilipino ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan.
...Kaya, mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.