Ang Saya nito Grabe!

Writings : Adventures Sa Kawanihan ng Rentas Internas
Contributed : mechajol
Friday, January 31, 2003 @ 01:50:27 PM

Okay. So natanggap na ako nung November sa NCCA bilang researcher. Contract employee lang. 3 months. May Yearbook project kasi sila at kailangan ng extrang tao. Okay lang ang bayad, kaso may 10% ithholding tax, at siyempre, dapat may Tax Identification Number ako. So tinanong ko yung boss ko- "Sir, di po ba yung employer ang maglalakad ng TIN ng employee?" Sagot ni bosing- "Di ka kasi regular employee kaya dapat ikaw ang maglakad ng TIN mo." Assurance nung assistant ni bosing- "Okay lang yan, one-time hassle langyan."                                   
                                                                       
Ala ako problema. Sige, ako maglalakad ng TIN ko. Tutal, ano ba ng worst case scenario? Mahabang pila? Red Tape? Naknamsiomai, sanay aman ako sa UP e- kuhaan ng classcards, pila sa registration, pila a graduation, etc. Ako rin naman ang naglalakad ng registration ng beetle ko, at sa pagrerenew ko ng lisensya, so okay ang sabi ni bosing, dun daw ako mag-apply ng TIN sa BIR Main, sa may QC, para mas konti ang pila. May BIR din naman sa labas ng Intramuros, walking distance para sa mga sanay maglakad, pero mas konti raw ang tao sa Main. So, sige, nagpaalam ako, isang araw mag-aabsent ako para lakarin yun. Dun ako sa Main, dahil malapit lang sa amin, tapos plano ko, dadaanan ko yung ilang research materials sa UP.           

Pagdating ko sa BIR Main, nagulat nga ako dahil wala ngang katao-tao. Ni wala akong nakitang pila, maliban lang dun sa pila sa harap,dahil  tsinecheck nung sekyu yung bag ng mga tao. Nung pagpasok ko, wala pala silang TIN forms. Wow. Naubusan ng TIN Forms ang BIR Main. Hanep.

Tinanong ako nung lalaki sa desk kung para saan yung TIN application    ko, sabi ko, para sa work. Tinanong kung saan ako nagtatrabaho, sabi ko sa Intramuros."Dun ka mag-apply sa Intramuros." sabi nung lalaki."Di po ba puwede talaga rito?" "Hinde, kasi sa Intramuros ka e, sila ang may hawak sa'yo." Okay lang, although medyo naburat ako sa efficiency nila. Ibig kong sabihin, wow, Main BIR sila tapos una, naubusan sila ng TIN Forms, pangalawa, ewan, ang laki-laki ng saklaw nilang lugar, ang laki-laki ng mga building nila, tapos hindi nila ako ma-accomodate. Taragis, eh?! malamang sa kanila rin naman mauuwi yung records ko kung sa BIR Davao o BIR Batanes ako mag-apply, dahil tutal, Main sila e, di ba? So ala na akong magawa, ala rin silang TIN Forms, so useless din kung magprotesta pa ako dun. So pumunta na lang akong peyups for official business, for the first time. Hehehe!

 

Pagpasok ko sa work, sinubukan kong lakarin yung TIN application ko sa BIR sa labas ng Intramuros, yung malapit sa port area. Pag-akyat ko sa taas, hinanapan ako ng certificate of employment, at baranggay clearance. At dahil walang nagsabi sa akin na kailangan ko nun, lalo na yung lalaki sa BIR Main, wala akong bitbit na requirements.

Pagbalik ko sa opisina, in-explain ko sa bosing namin yung problema. Nakatingin sa akin yung bosing ko na parang nawe-weirdohan din at di maintindihan yung paghihigpit ng BIR. Lintek, sabi nga nung isang workmate ko, the fact na nag-apply na ako for TIN, dinedeclare ko na sa gobyerno na puwede na nilang kupitan, err, kaltasan ang maliit kong suweldo. Ako na nga ang magbibigay ng pera sa kanila, ako pa ang hinihigpitan. Tang inang gobyerno yan, kahit kailan talaga pahirap sa mga tao. Anyway, pag-aaralan pa raw nila kung mabibigyan nila ako ng certificate of employment. Iyung baranggay clearance, ako na ang maglalakad. Plano kong bumalik ulit sa BIR Main. Hindi ko na lang sasabihin na sa Maynila ako nagtatrabaho. Yung ninang ko na may business, binigyan ako ng TIN Forms. Form 1901, take note. Para sa mga regular employees. May pipirmahan sa likod ang employer ko. After nito, dumiretso ako sa baranggay hall namin para sa clearance. Hiningan ako ng CV para sa file. Medyo naiirita na ako sa puntong ito. Isipin mo naman kung gaano ka-hassle ang buong prosesong ito, para saan? Para gawin ko ang aking role bilang mabuting mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis. Anyway, tinanong ako nung babae sa baranggay hall kung may TIN daw ako. Napapalo ako sa noo ko. Whoooooo!!! I LOVE THIS COUNTRY!!!!!

Okay! So may clearance na ako! Humingi na ako ng certificate of employment sa bosing ko, at pinapapirmahan ko na siya sa likod ng Form 1901 ko. Kaso sabi niya, hindi raw puwede kasi wala ako sa roster of employees ng NCCA. Project employee lang ako e. So tinanong ko kung puwede ibalik yung mga kaltas sa akin, tutal ala naman akong TIN e, at ayaw akong bigyan ng BIR, kaya putangina sila, di ko bibigay pera ko sa gobyerno! Ang problema, hindi raw puwede yun. Tuloy-tuloy ang kaltas sa suweldo ko. Kapag hindi raw kasi kinaltasan, sila raw ang malilintikan kapag nag-check ng expenses ang NCCA, makikitang hindi binawasan ang suweldo ko. So tinawag ngayon yung isang accountant ng NCCA para tulungan kami sa aming munting problema. Hindi rin maintindihan nung accountant kung bakit hinihigpitan ako ng BIR. Putsa, ako na nga ang magbibigay ng pera sa gobyerno, may gana pa silang magpakipot. Sabi nung accountant, yung kinaltas sa akin, mapupunta pa rin sa gobyerno, may TIN man ako o wala, at hindi sa bulsa ng kung sinoman sa NCCA.Well, dadaan muna sa gobyerno, sa BIR, bago mauwi sa bulsa ng isang congressman, pero technically, alang problema dahil pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ni satanas ang tuloy. Ang difference bale, kapag may TIN ako, dinedeclare ko lang na sa akin galing yung kakaning-ibon na baryang portion ng pang-tip ni Mr. Congressman sa pokpok niya sa Pegasus. Otherwise, mula kay Mr. Anonymous yung pang-tip niya.

mga pahina

  • pic
  • pic1
  • pic2
  • pic3
  • pic4
  • pic5