Anong sagot mo?

 

Ano nga ba ang kasal? Kapirasong papel? Basbas ng pari? Mahalaga sa mata ng tao at ng diyos? Anong sagot mo?

Ano nga ba nag pamilya? Binubuo ng ama, ina at mga anak? Bahay at buhay? Anong sagot mo?

Sa mag-asawa kapag nambabae si lalake, iiyak nalang ang babae. Pero kapag babae ang nang-lalake bakit kinokondena? Mas malaswa raw sa babae kaysa sa lalake. Tama ba? Hindi ba dapat pantay lang? o baka naman mas malaswa sa babae dahil nasasaktan ang ego ng lalake? Anong sagot mo?

Ano man ang maging kasagutan nyo sa bawat tanong na iyan ay di maikakaila ang katotohanang sa bawat sitwasyon ay walang ibang katotohanang sa bawat sitwasyon ay walang ibang nasasaktan at nahihirapan kundi ang mga anak.

Sa kasong ganito…

Hind kasal ang magulang ko, hindi ko raw maaaring gamitin ang apelyido ng aking ama. Illegitimate raw ako. Ano ngayon? Anong paki ko? Marami namang ganyan sa panahon ngayon. “Oo marami ng ganyan ngayon, marami ng kagaya mo na ang magulang ay live-in lang, hindi wasto sa matandang kaugalian at sa mata ng Diyos!” sabi ng iba. Ganun? Tanong ko at may kaunting pagtataas ng kilay. Bakit kasalanan ko ba yon?

Nag-aplay ako ng scholarship, nagfill-up ako ng form… STUDENT NAME:… FATHER’S NAME:… MOTHER’S NAME:.. at marami pang iba. At ng ipapasa ko, “bakit iba ang apelyido mo sa father mo?” tanong nila. “illegitimate po kasi ako” sagot ko naman. “ganun ba?” tanong muli nila. Akala ko hindi tatanggapin, buti nalang tinanggap pa. ngunit naron pa rin ang palaging katanungan.

Sa kasong ganito…

May bahay pero wala naming kabuhay-buhay. Kung nasa bahay ang ama, wala naman ang ina at kung nariyan naman ang ina, wala naman ang ama. Makumpleto man sa kabahayan dumadagundong naman sa awayan. Pamilya ba itong maituturan?

Kung away na ang namamagitan, sino ba ang higit na naguguluhan? Kung dumating sa sakitan, sino ba ang namamagitan? Bulyawan ng bulyawan, hinanakit nila sa isa’t-isa’y ipinagsisigawan, ngunit sino ba ang higit na nasasaktan?

Tignan sa ganitong kaso…

Nagsawa na ang bawat isa. Unahin natin ang ama. Sinasabing ang ama ang haligi ng tahanan. Paano kung mawala na siya at maghanap ng iba? Mahahati ang kanyang panahon at sustento sa dalawa. Mabuti kung sa mabuti ay hati ang labanan. Paano kung dehado ang una?

Paano kung ina ang maghanap ng iba? Sinasabing ang ina ang ilaw ng tahanan, ngunit paano na ang mga anak kung wala na ang ilaw na dapat tatanglaw?

Maaaring ang unang anak ang aako sa kanilang iniwan. Ngunit paano ipababatid sa musmos na bunso ang katotohanan? Hindi pa ito kayang maabot ng kanyang kaalaman, sapagkat wala pa naman itong nalalaman.

Totoong mahirap ang maging magulang ngunit hindi rin naman madaling maging anak lang. Kung mahirap at masakit sa magulang, subukin n’yong buksan ang kalooban ng kabataan sapagkat pareho lang kayo ng nararamdaman.

 

 

Nagpadala : di kilala

mga pahina

  • pic
  • pic1
  • pic2
  • pic3
  • pic4
  • pic5